Sunday, April 13, 2008

sana...

sana maalala ko ang pangalan ng lahat nang nakilala ko... Sa loob ng apat na linggo, may mga 'acquaintances' ako mula sa aking nakaraan na muling nakita. Hindi ko maalala ang pangalan nila. Naalala ko naman kung sino sila at yung pinag-samahan namin. Pero naiinis ako sa sarili ko na hindi ko maalala yung pangalan nila. Maaaring, dahil sa dami ng aking mga nakasalimuha sa talambuhay ko, nagkagulo na ang mga pangalan nila sa utak ko.

sana mas maraming 'park' sa metro manila... gusto ko lang magbasa ng libro ko. pero kung gusto ko yan gawin sa makati, kailangan kong mag-kape o kumain sa isang kainan. eh, katatapos ko lang kumain ng tanghalian at naka pag-dessert na rin ako. busog pa ako. Mukhang mapapabili talaga ako nang kape o tsaa. Pero ang talagang nais ko ay umupo sa isang 'park' at magbasa sa gitna ng isang berdeng tanawin.

sana mas magaling akong magsulat sa tagalog... nahihiya ako na isa akong pilipino na hindi magaling sa sarili nating wika.

No comments: