Tuesday, August 14, 2007

Double Takes

Sa Loob ng Isang Oras

Sa loob ng isang oras
walang kaligayahan
sa salamin na kaibigan at tuso rin

Sa loob ng isang oras
umaapaw ang pawis
bumibilis ang pintig ng mga pusong bitin

Sa loob ng isang oras
dalawang utak ay iisa
ngunit walang gustong pumansin

Sa loob ng isang oras
pinipilit ang puso at isip
na gawa ay mahalin

Sa loob ng isang oras
walang umaatras
bawat isa doble ang aanihin

2 comments:

sandalilamang said...

Yehey, PJ! Ang galing-galing!

cant_u_read said...

sino silang nagsanib sa loob ng isang oras?